PECCI ADVISORY
06/03/2021
UNEARNED INCOME
Mahal naming mga Miyembro,
Ang talastas na ito ay magtutuwid sa maling paniniwala, mga haka-haka at
bulong-bulungan na may itinatago o nawawalang kita ang PECCI dahil sa “unearned income” account.
Ang mga sumusunod ay ang tamang pagpapaliwanag at pag-unawa tungkol sa unearned
income account.
Ano ang unearned income?
Ang “unearned income” ay isang account kung saan naire-record ang mga inaasahang kita
na hindi nakokolekta. Halimbawa, sa payroll period na May 15, meron kang dapat bayarang interes sa
utang mo na P5,000. Kung P3,500 lang ang nakolekta sa’yo, yung unpaid portion na P1,500 ay irerecord
sa account bilang “unearned income”. Kung sa susunod na payroll period na May 31 ay nakapagbayad ka sa
interes mo ng P6,500 (P5,000 para sa May 31 at P1,500 para sa May 15), mabubura na sa unearned income
yung P1,500 na nai-record doon nung last period.
Bakit nagkakaroon ng unearned income sa PECCI?
Normal lamang sa isang negosyo ng pautangan ang may “unearned income” account. Walang
pautangan ang may consistent na 100% collection rate. Katulad din ng ibang nangungutang, may mga
miyembro ng PECCI na dumadating din sa mga pagkakataon na kulang ang kanilang pambayad. Dahil dito,
nagre-record tayo sa “unearned income” every payroll period: padagdag sa mga hindi nakokolekta, at
pabawas naman sa mga nakokolekta.
Bukod sa hindi sapat na collection, ano
ang maaring maging dahilan ng pagtaas o pagbaba ng unearned income balance?
Wala ng ibang dahilan ang pagtaas o pagbaba ng “unearned income”
account, kungdi lamang sa hindi sapat na koleksyon mula sa mga
miyembro. Ang “unearned income” account at ang buong accounting
practices ng PECCI ay dumadaan sa mahigpit na audit ng PWC PricewaterhouseCoopers, na isa sa pinakamalalaki at iginagalang na
auditing firm sa auditing industry sa Pilipinas.
...
Bakit malaki ang itinaas ng unearned income nuong 2020
kumpara sa 2019?
Tumaas ang balance ng “unearned income” noong 2020 sa dahilan na halos kalahating
taong hindi nakakolekta ang PECCI ng mga pautang/interes (Bayanihan Acts I and II). Katulad ng
nabanggit sa itaas, yung mga inaasahang kita na hindi nakolekta ay ire-record sa “unearned income”
account. Kung hindi naka-kolekta ang PECCI ng halos kalahating taon, normal lamang na tumaas ang
“unearned income” account noong 2020.
Kung may iba pa kayong katanungan ay mangyari lamang na makipag-ugnayan sa inyong
pamunuan upang malaman ninyo ang katotohanan at tamang kasagutan.
Maraming salamat at nawa'y patuloy ninyong tangkilikin at suportahan ang ating mahal
na kooperatibang PECCI.
PECCI Management
Read more