1st Quarter Financial Performance 2024
04/25/2024
COMMITMENT TO SUSTAINABILITY AND PROGRESS
Matapos ang unang tatlong buwan ng 2024, tayo ay nakapag-generate ng P55 milyon na Undivided Net
Surplus.
In terms of Revenue, kumita tayo ng P112 milyon ngayong 2024. Ito po ay P2 milyon more compared
to last year. Ito ay bunga ng patuloy ninyong pagsuporta sa ating mga loan services and consumer products.
Ang Administration and Financing Costs ay mas mababa ng 2% each, compared last year, mainly due
Management's on-going cost-cutting initiatives.
Sa bottom line, mas mataas nang P6 milyon o 12% ang ating Undivided Net Surplus compared sa
parehong period, last year.
REVENUE (KITA)
Ang P87 milyon na "Income from credit/ consumer operations" ay ang pinanggagalingan ng ating
kinikita. Ito ay ang mga interests/sales na ating nakokolekta, mula sa mga cash loans at biniling consumer
products ng ating mga members.
Sa mga tumatangkilik ng ating mga products, saludo kami sa inyo, at sana'y patuloy ninyong
suportahan ang ating mga programa at adhikain. Duon naman sa mga members na hindi nangungutang o bumibili,
patuloy namin kayong hinihikayat na mag-participate sa ating mga loan/product offers para kayo ay makatulong sa
ating pag-unlad.
...
Ang service fees at other income ay nakapag-contribute ng P25 milyon sa ating kabuuang kita.
Ang "service fees" ay ang 2% na binabawas natin sa proceeds ng ating mga loans at ang "other income" naman ay
mostly mga interests na kinikita ng ating time deposits sa mga commercial and cooperative banks.
EXPENSES (GASTOS)
Ang "Financing cost" ay ang pinakamalaking gastusin ng ating kooperatiba. Ito ay ang
interest na binabayad ng PECCI sa ating mga members na may deposito o savings account. For this period,
P38 million ang naipamahagi natin sa ating mga members bilang kita ng kanilang mga savings deposits. 34%
ang kabawasan nito mula sa total na kinita natin na P112 milyon.
Ang "Personnel and IT cost" ay ang mga sweldo at iba pang benefits and IT support ng ating
mga employees. Ang "Officers' meetings and allowances" ay ang natatanggap ng mga Officers as allowances sa
mga meetings nito at sa iba pang mga activities. Ang kabawasan ng mga gastusing ito, mula sa kita o revenue,
ay 8% (Personnel and IT cost) at 2% (Officers' meetings and allowances).
LOAN RELEASES, COLLECTION & NON-PATRONIZING MEMBERS
We can already say na ang "Loan releases" have already recovered kung ikukumpara sa results
nuong Covid-Years 2020-2021. Patuloy nating pagsisikapan na makapag-release ng mas maraming loans in the
coming periods. Ito'y magagawa natin sa patuloy ninyong pagsuporta sa ating mga revenue-generating activities.
Reflective sa 1Q2023 collection ang adverse effects ng 2023 WOP (opportunity losses due to
early payment of loans), but we were able to turn this around at year-end, as we posted the highest net
surplus in history na P247 milyon.
Ang "Non-patronizing members" o mga miyembro na hindi nangungutang o bumibili ng mga consumer
products ay bumaba na ng 13% since 2020. Ipagpatuloy po natin ang suporta para sa ika-uunlad at tuloy-tuloy
na paglago ng ating kooperatiba.
Read more