3rd Quarter Financial Performance 2023
10/25/2023
BREAKING BARRIERS
Matapos ang siyam na buwan, tayo ay nakapag-generate ng P173 milyon na Undivided Net Surplus. Ito
ay mas mataas ng P58 milyon kung ikukumpara sa naging performance natin nuong 2022.
In terms of Revenue, kumita tayo ng P62 milyon more ngayong 2023 compared nuong 2022. Ito ay
bunga ng patuloy ninyong pagsuporta sa ating mga loan services and recently, consumer products.
Ang Administration Cost ay mas mataas ng 11% compared last year, mainly due to expenses related
to the full "Return-to-office" arrangement including the cost of the 2023 face-to-face RA. Sa bottom line, mas
mataas ng 50% ang ating Undivided Net Surplus compared sa parehong period, last year.
REVENUE (KITA)
Ang "Income from credit/ consumer operations" ay ang pinanggagalingan ng ating kinikita. Ito ay
ang mga interests/sales na ating nakokolekta, mula sa mga cash loans at biniling consumer products ng ating mga
members.
Sa mga tumatangkilik ng ating mga products, saludo kami sa inyo, at sana'y patuloy ninyong
suportahan ang ating mga programa at adhikain. Duon naman sa mga members na hindi nangungutang o bumibili, patuloy
namin kayong hinihikayat na mag-participate sa ating mga loan/product offers para kayo ay makatulong sa ating
pag-unlad.
...
Ang service fees at other income ay nakapag-contribute ng P109 milyon sa ating kabuuang kita.
Ang "service fees" ay ang 2% na binabawas natin sa proceeds ng ating mga loans at ang "other income" naman ay
mostly mga interests na kinikita sa mga time deposits natin sa mga commercial and cooperative banks.
EXPENSES (GASTOS)
Ang "Financing cost" ay ang pinakamalaking gastusin ng ating kooperatiba. Ito ay ang interest
na binabayad ng PECCI sa ating mga members na may deposito o savings account. For this period, P119 milyon ang
naipamahagi natin sa ating mga members bilang kita ng kanilang mga savings deposits. 33% ang kabawasan nito
mula sa total na kinita natin na P360 milyon.
Ang "Personnel and IT cost" ay ang mga sweldo at iba pang benefits and IT support ng ating
mga employees. Ang "Officers' meetings and allowances" ay ang natatanggap ng mga Officers as allowances sa mga
meetings nito at sa iba pang mga activities. Ang kabawasan ng mga gastusing ito, mula sa kita o revenue, ay 9%
(Personnel and IT cost) at 2% (Officers' meetings and allowances).
LOAN RELEASES, COLLECTION & NON-PATRONIZING MEMBERS
Ang "Loan releases" ay unti-unti nang nakaka-recover kung ikukumpara sa results nuong
Covid-Year 2020. Patuloy nating pagsisikapan na makapag-release ng mas maraming loans in the coming periods.
Ito'y magagawa natin sa patuloy ninyong pagsuporta sa ating mga revenue-generating activities.
Reflective sa 9M2023 collection ang adverse effects ng 2022 MRP and 2023 WOP (opportunity
losses due to early payment of loans), but we hope to be able to turn this around at year-end.
Ang "Non-patronizing members" o mga miyembro na hindi nangungutang o bumibili ng mga consumer
products ay bumaba ng 9% for the past 3 years. Ipagpatuloy po natin ang suporta para sa ika-uunlad at
tuloy-tuloy na paglago ng ating kooperatiba.
Read more