2nd Quarter Financial Performance 2023
08/01/2023
BREAKING BARRIERS
Matapos ang unang kalahating taon, tayo ay nakapag-generate ng P114 milyon na Undivided
Net Surplus. Ito ay mas mataas ng P36 milyon kung ikukumpara sa naging performance natin nuong 2022.
In terms of Revenue, kumita tayo ng P41 milyon more ngayong 2023 compared nuong 2022.
Ito ay bunga ng patuloy ninyong pagsuporta sa ating mga loan services and recently, consumer products.
Ang Administration Cost ay mas mataas ng 11% compared last year, mainly due to expenses
related to the full "Return-to-office" arrangement including the cost of the 2023 face-to-face RA. Sa
bottom line, mas mataas ng 46% ang ating Undivided Net Surplus compared sa parehong period, last year.
REVENUE (KITA)
Ang "Income from credit/ consumer operations" ay ang pinanggagalingan ng ating kinikita.
Ito ay ang mga interests/sales na ating nakokolekta, mula sa mga cash loans at biniling consumer products
ng ating mga members.
Sa mga tumatangkilik ng ating mga products, saludo kami sa inyo, at sana'y patuloy
ninyong suportahan ang ating mga programa at adhikain. Duon naman sa mga members na hindi nangungutang o
bumibili, patuloy namin kayong hinihikayat na mag-participate sa ating mga loan/product offers para kayo
ay makatulong sa ating pag-unlad.
...
Ang service fees at other income ay nakapag-contribute ng P69 milyon sa ating kabuuang
kita. Ang "service fees" ay ang 2% na binabawas natin sa proceeds ng ating mga loans at ang "other income"
naman ay mostly mga interests na kinikita sa mga time deposits natin sa mga commercial and cooperative
banks.
EXPENSES (GASTOS)
Ang "Financing cost" ay ang pinakamalaking gastusin ng ating kooperatiba. Ito ay ang
interest na binabayad ng PECCI sa ating mga members na may deposito o savings account. For this period,
P80 milyon ang naipamahagi natin sa ating mga members bilang kita ng kanilang mga savings deposits.
33% ang kabawasan nito mula sa total na kinita natin na P243 milyon.
Ang "Personnel and IT cost" ay ang mga sweldo at iba pang benefits and IT support ng
ating mga employees. Ang "Officers' meetings and allowances" ay ang natatanggap ng mga Officers as
allowances sa mga meetings nito at sa iba pang mga activities. Ang kabawasan ng mga gastusing ito,
mula sa kita o revenue, ay 10% (Personnel and IT cost) at 2% (Officers' meetings and allowances).
LOAN RELEASES, COLLECTION & NON-PATRONIZING MEMBERS
Ang "Loan releases" ay unti-unti nang nakaka-recover kung ikukumpara sa results nuong
Covid-Year 2020. Patuloy nating pagsisikapan na makapag-release ng mas maraming loans in the coming
periods. Ito'y magagawa natin sa patuloy ninyong pagsuporta sa ating mga revenue-generating activities.
Reflective sa 1H2023 collection ang adverse effects ng 2022 MRP and 2023 WOP
(opportunity losses due to early payment of loans), but we hope to be able to turn this around before
year-end.
Ang "Non-patronizing members" o mga miyembro na hindi nangungutang o bumibili ng mga
retail products ay bumaba lamang ng 9% for the past 3 years. As previously mentioned, kailangan natin
ng suporta ng lahat ng mga miyembro sa pagpapatuloy na paglago ng ating kooperatiba.
Read more