1st Quarter Financial Performance 2022
04/27/2022
KEEPING THE PACE
Matapos ang unang tatlong buwan ng taon, tayo ay nakapag-generate ng P32 milyon na
Undivided Net Surplus. Ito ay mas mababa ng P3 milyon kung ikukumpara sa naging performance natin nuong
2021. Ang main reason ng pagbaba nito ay ang mas mataas na gastusin ngayong taon, most notably, yung
ginastos natin sa ating Representative Assembly ("RA") nuong March 26. Kung inyong matatandaan, wala
tayong RA nuong 2021, kaya mas mababa ang Administration Cost natin last year.
In terms of Revenue, kumita tayo ng P7 milyon more, ngayong 2022 compared nuong 2021. Ito
ay bunga ng patuloy ninyong pagsuporta sa ating mga loan products and services.
REVENUE (KITA)
Ang "Interest from loans" ay ang pangunahing pinanggagalingan ng ating kinikita. Ito ay
ang mga interes na ating nakokolekta, mula sa mga inutang ng ating mga miyembro.
Sa mga tumatangkilik ng ating mga pautang, saludo kami sa inyo, at sana'y patuloy ninyong
suportahan ang ating mga programa at adhikain. Duon naman sa mga miyembro na hindi nangungutang, patuloy
namin kayong hinihikayat na mag-participate sa ating mga loan offers para kayo ay makatulong sa ating
pag-unlad.
Patuloy pa ring mababa ang interes na kinikita natin sa time deposit ng ating cash funds
kumpara sa interes nuong bago mag pandemic. Bungad nito, patuloy tayong naghahanap ng magagandang
investments at masaya naming ibabalita sa inyo, na meron na tayong additional investments na mas mataas
ang interes at makakadagdag na ito sa ating revenue, moving forward.
...
EXPENSES (GASTOS)
Ang "Financing cost" ay ang pinakamalaking gastusin ng ating kooperatiba. Ito ay ang
interes na binabayad ng PECCI sa ating mga miyembro na may deposito o savings account. For this period,
P41 milyon ang napamahagi natin sa ating mga miyembro bilang kita ng kanilang mga savings. 44% ang
kabawasan nito mula sa total na kinita natin na P94 milyon.
Ang "Personnel cost" ay ang mga sweldo at iba pang benefits ng ating mga empleyado.
Ang "Officers' meetings and allowances" ay ang natatanggap ng mga Officers as allowances sa mga
meetings nito at sa iba pang activities. Ang kabawasan ng mga gastusing ito, mula sa kita o revenue,
ay 11% (Personnel cost) at 1% (Officers' meetings and allowances).
LOAN RELEASES, COLLECTION & NON-PATRONIZING MEMBERS
Ang "Loan releases" and "Collection" ay unti-unti nang nakaka-recover kung ikukumpara
sa results nuong 2020. Bagama't ang ating operation ay hindi pa nakakabalik sa 100%, patuloy nating
pinagsisikapan na makapag-release ng maraming loans. Ito ay magagawa natin sa patuloy ninyong
pagsuporta sa mga revenue-generating activities ng ating kooperatiba.
Ang non-patronizing members o mga miyembro na hindi nangungutang ay bumaba lamang ng
6% for the past 3 years. As previously mentioned, kailangan natin ng suporta ng lahat ng mga miyembro
sa pagpapatuloy na paglago ng ating kooperatiba.
Read more