3rd Quarter Financial Performance 2022
10/26/2022
KEEPING THE PACE
Matapos ang unang siyam na buwan ng taon, tayo ay nakapag-generate ng P115 milyon na
Undivided Net Surplus. Ito ay mas mataas ng P13 milyon kung ikukumpara sa naging performance natin nuong
2021.
In terms of Revenue, kumita tayo ng P27 milyon more, ngayong 2022 compared nuong 2021.
Ito ay bunga ng patuloy ninyong pagsuporta sa ating mga loan products and services.
Ang P9 milyon increase sa Administration Cost ay mainly due sa ginastos natin nuong 2022
Representative Assembly. If you remember, wala po tayong Assembly nuong 2021. Despite this increase in
cost, mas mataas pa rin ng 13% ang ating Undivided Net Surplus compared sa same period, last year.
REVENUE (KITA)
Ang "Interest from loans" ay ang pangunahing pinanggagalingan ng ating kinikita. Ito ay
ang mga interest na ating nakokolekta, mula sa mga inutang ng ating mga members.
Sa mga tumatangkilik ng ating mga pautang, saludo kami sa inyo, at sana'y patuloy ninyong
suportahan ang ating mga programa at adhikain. Duon naman sa mga miyembro na hindi nangungutang, patuloy
namin kayong hinihikayat na mag-participate sa ating mga loan offers para kayo ay makatulong sa ating
pag-unlad.
Ang service fees at other income ay nakapag-contribute ng P46 milyon sa ating kabuuang
kita. Ang "service fees" ay ang 2% na binabawas natin sa proceeds ng ating mga loans, ang "other income"
naman ay mostly mga interest na kinikita natin sa mga time deposits natin sa mga bangko.
...
EXPENSES (GASTOS)
Ang "Financing cost" ay ang pinakamalaking gastusin ng ating kooperatiba. Ito ay ang
interest na binabayad ng PECCI sa ating mga members na may deposito o savings account. For this period,
P122 milyon ang naipamahagi natin sa ating mga members bilang kita ng kanilang mga savings deposits.
41% ang kabawasan nito mula sa total na kinita natin na P298 milyon.
Ang "Personnel and IT cost" ay ang mga sweldo at iba pang benefits and IT support ng
ating mga employees. Ang "Officers' meetings and allowances" ay ang natatanggap ng mga Officers as
allowances sa mga meetings nito at sa iba pang activities. Ang kabawasan ng mga gastusing ito, mula sa
kita o revenue, ay 11% (Personnel and IT cost) at 2% (Officers' meetings and allowances).
LOAN RELEASES, COLLECTION & NON-PATRONIZING MEMBERS
Ang "Loan releases" and "Collection" ay unti-unti nang nakaka-recover kung ikukumpara
sa results nuong 2020. Bagama't ang ating operation ay hindi pa nakakabalik sa 100%, patuloy nating
pinagsisikapan na makapag-release ng maraming loans. Ito ay magagawa natin sa patuloy ninyong
pagsuporta sa mga revenue-generating activities ng ating kooperatiba.
Ang non-patronizing members o mga miyembro na hindi nangungutang ay bumaba lamang ng
10% for the past 3 years. As previously mentioned, kailangan natin ng suporta ng lahat ng mga miyembro
sa pagpapatuloy na paglago ng ating kooperatiba.
Read more