1st Quarter Financial Performance 2023
04/24/2023
BREAKING BARRIERS
Matapos ang unang tatlong buwan ng taon, tayo ay nakapag-generate ng P50 milyon na
Undivided Net Surplus. Ito ay mas mataas ng P18 milyon kung ikukumpara sa naging performance natin nuong
2022.
In terms of Revenue, kumita tayo ng P17 milyon more ngayong 2023 compared nuong 2022. Ito
ay bunga ng patuloy ninyong pagsuporta sa ating mga loan products and services.
Ang Administration and Financing Costs ay relatively flat, as a result ng patuloy na
pag-control ng ating mga expenses. Sa bottom line, mas mataas ng 56% ang ating Undivided Net Surplus
compared sa parehong period, last year.
REVENUE (KITA)
Ang "Interest from loans" ay ang pangunahing pinanggagalingan ng ating kinikita. Ito ay
ang mga interests na ating nakokolekta, mula sa mga inutang ng ating mga members.
Sa mga tumatangkilik ng ating mga pautang, saludo kami sa inyo, at sana'y patuloy ninyong
suportahan ang ating mga programa at adhikain. Duon naman sa mga members na hindi nangungutang, patuloy
namin kayong hinihikayat na mag- participate sa ating mga loan offers para kayo ay makatulong sa ating
pag-unlad.
Sa susunod na quarter ay inaasahan na natin ang kita mula sa ating consumer product
sales, na ni-launch natin nuong March 2023.
...
Ang service fees at other income ay nakapag-contribute ng P36 milyon sa ating kabuuang
kita. Ang "service fees" ay ang 2% na binabawas natin sa proceeds ng ating mga loans at ang "other income"
naman ay mostly mga interests na kinikita natin sa mga time deposits sa mga commercial and cooperative
banks.
EXPENSES (GASTOS)
Ang "Financing cost" ay ang pinakamalaking gastusin ng ating kooperatiba. Ito ay ang
interest na binabayad ng PECCI sa ating mga members na may deposito o savings account. For this period,
P40 milyon ang naipamahagi natin sa ating mga members bilang kita ng kanilang mga savings deposits.
36% ang kabawasan nito mula sa total na kinita natin na P111 milyon.
Ang "Personnel and IT cost" ay ang mga sweldo at iba pang benefits and IT support ng
ating mga employees. Ang "Officers' meetings and allowances" ay ang natatanggap ng mga Officers as
allowances sa mga meetings nito at sa iba pang mga activities. Ang kabawasan ng mga gastusing ito,
mula sa kita o revenue, ay 9% (Personnel and IT cost) at 2% (Officers' meetings and allowances).
LOAN RELEASES, COLLECTION & NON-PATRONIZING MEMBERS
Ang "Loan releases" ay unti-unti nang nakaka-recover kung ikukumpara sa results nuong
Covid-Year 2020. Patuloy nating pagsisikapan ang makapag- release ng mas maraming loans in the coming
periods. Ito'y magagawa natin sa patuloy ninyong pagsuporta sa ating mga revenue-generating
activities.
Ramdam pa din natin ngayong 3M2023 ang effects ng MRP last year sa "Collection" but
we should be able to turn this around before year-end.
Ang "Non-patronizing members" o mga miyembro na hindi nangungutang ay bumaba lamang
ng 9% for the past 3 years. As previously mentioned, kailangan natin ng suporta ng lahat ng mga
miyembro sa pagpapatuloy na paglago ng ating kooperatiba.
Read more